ika-19 ng Setyembre, 2025

Ang Kuwento Namin

Nagkakilala sina Clarence at Ciara habang parehong nagtratrabaho sa Letran. Nang magkakilala at magkamabutihan ang dalawa, gumawa si Clarence ng simpleng pelikula upang makamit ang matamis na “oo” mula kay Ciara at sila’y maging ganap na magkasintahan.

Ang Tula at Pangako

Matapos ang tatlong taon ng pagsasama, inihayag ni Clarence ang kanyang nararamdaman patungo kay Ciara sa pamamagitan ng isang tula. Tula na nagsisilbing mithi ng nararamdaman, kapatunayan ng kasalan, at pangako ng pagsasama habang buhay.

Pook ng Kasalan

Sa ika-19 ng Setyembre, 2025, alas tres ng hapon ikakasal sina Clarence Jophiel at Ciara Janica, at kayo ay inaanyayahan na dumalo sa pagdiriwang!

Makiisa sa mahalagang araw na ito sa kapilya ng St. John Paul II sa Lakeshore, Mexico, Pampanga.

Handaan at Kasiyahan

Matapos ang kasalan, ang pagdiriwang at handaan ay gaganapin sa Andreyanna’s Garden sa Sitio Baguio, Zone 1, San Isidro de Bacolor, Pampanga.

Ang lugar ng handaan ay maaaring marating sa loob lamang ng 20 minuto mula sa kapilya ng kasalan.

Pananamit ng Panauhin

Ang kahilingan namin sa inyo, bilang aming mga mahahalagang panauhin, ay manamit ng kagalang-galang at nakaayon sa nakasaad sa halimbawang larawan.

Barong Tagalog o Barong Gusot Mayaman para sa kalalakihan at Baro’t Saya o Terno Filipiniana naman sa mga kababaihan.

Mga Mahal naming Panauhin

Mga Gabay sa Patutunguhan

Patungo sa Kapilya

Patungo sa Handaan

Marahil na suriin ang mga imahe o tatak sa itaas upang malaman ang tiyak na kinaroroonan ng aming kasalanan at pagdiriwang. Gayundin, maari ring pindutin ang bawat imahe o tatak upang masuri ang mga ito.

Handog sa Kasalan

Mangyari lamang na gugustuhing ninyong magbigay ng salapi, bilang handog sa aming bagong yugto sa buhay mag-asawa, maaaring buksan ang inyong aplikasyon (tulad ng Maya o GCash) upang suriin ang imahe o tatak sa itaas.

Kahit anumang halaga ay tiyak na makakatulong. Salamat!

Mga Karagdagang Kaalaman

Ang mga panauhin ay maaaring manatili ng magdamagan matapos ang pagdiriwang sa gabi ng kasal hanggang kinaumagahan ng ika-20. Dahil ang mga patutuluyan ay may takdang bilang lamang - marahang ipaalam sa amin, sa lalong madaling panahon, kung kayo’y mananatili sa gabing ito upang mabigyan namin kayo ng nakatakdang silid na matutulugan.

Maaari ring tumuloy sa mga malalapit na bahay-tuluyan kung ninanais ninyong bumukod.

Bilang lamang ang mga upuan at puwesto sa hapag sa aming mga piling panauhin. Ang hiling namin ay huwag nang mag-anyaya ng mga karagdagang dadalong kakilala.

Ang pagdiriwang na ito ay para lamang sa mga matatanda na nakalista sa aming talaan ng panauhin; inuudyok namin na huwag dalhin ang inyong mga anak maliban lamang sa may mga nakatakdang papel sa kasalan at pagdiriwang.

Maraming salamat po sa pag-intindi.